UPANG patuloy na mapalawig ang immunization program, sisimulan na ng Davao City ang vaccination appointment system nito kung saan maaari nang pumili ang mga Dabawenyo ng schedule kung kelan sila magpabakuna.
Inihayag ni COVID-19 Task Force Spokesperson Dr. Michelle Schlosser isinapinal na ang naturang sistema at nakatakda itong pag-isahin sa SafeDavao website at mobile app.
Kumpara sa lumang sistema kinakailangan pa nang magpre-register online ang isang indibidwal sa SafeDavao QR mobile application scanner o website.
Matapos mag-fill out ng form ay saka pa lamang sila mabibigyan ng schedule at kinakailangan pang maghintay ng announcement mula sa kanilang District Health Office o sa pamamagitan ng DQR push notification.
Habang sa updated system may opsyon na upang makapili ng nais na araw at oras ng vaccination ang isang Dabawenyo.
Layon ng vaccination appointment system na masolusyunan ang problema sa mahabang paghihintay ng schedule upang mabakunahan at maiwasan na rin ang mahabang pila sa mga sites.
Ayon kay Dr. Schlosser malapit nang matapos ang naturang system at dadaan ito sa pilot testing bago isapubliko at asahan na maipapatupad sa susunod na linggo.
Matapos ang appointment makakatanggap ng automatic text message na magpapaalala sa mga registrants ng kanilang schedule.
BASAHIN: The Kingdom of Jesus Christ, suportado ang mass vaccination campaign ng Davao City