Davao City, tinuring na ‘beacon of progress’ ni PBBM

Davao City, tinuring na ‘beacon of progress’ ni PBBM

TINUTURING na ‘beacon of progress’ ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang Davao City dahil nagkakaisa ang mga residente ng Davao sa kabila ng mga hirap na kinahaharap ng bansa.

Ito ang naging mensahe ni Pangulong Marcos para sa selebrasyon ng Kadayawan Festival.

Dagdag pa ni Pangulong Marcos, ang Kadayawan Festival ang patunay na nagkakaisa ang mga Pinoy para sa pagdiwang ng kultura at pinagmulan.

Aniya, ito ay pag-alala ng Davao City sa kasaganaan ng siyudad at kung ano ang mai-aalok nito sa mundo.

Umaasa naman ang Pangulo ng patuloy na katagumpayan at kasaganaan sa siyudad.

Ang Kadayawan ay ipinagdiriwang tuwing ika-tatlong linggo ng Agosto, isang thanksgiving festival at tribute para sa mga tribu at katutubo ng siyudad.

Ang ibig-sabihin ng Kadayawan ay “anything excellent that brings great fortune” mula sa salitang “dayaw” na mabuti na tumutukoy sa mga bagay na mahalaga.

Sa ngayon, ang tema ng Kadayawan ay “Kasikas sa Kadayawan,” na magpapakita ng “Bantawan” isang cultural show ng 11 tribo ng syudad.

Kabilang din sa mga programa ng Kadayawan ang Dula Kadayawan or tribal games, Hiyas sa Kadayawan, Indak Indak sa Kadayawan, Pamulak sa Kadayawan at iba pa.

Follow SMNI NEWS in Twitter