KINUMPIRMA ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na walang pinsalang natamo sa paliparan ng Davao at Mati.
Kasunod ng magnitude 5.3 lindol sa Davao Oriental ngayong araw ng Miyerkules.
Partikular na hindi apektado ng lindol ang mga pasilidad, installation, gusali, at imprastraktura nito sa paliparan sa Davao International Airport at Mati Airport.
Ang lahat ng pasahero, tauhan, at stakeholder sa loob ng dalawang paliparan ay parehong ini-operate at mino-monitor ng CAAP.