Davao Prison and Penal Farm, nagpalaya ng 35 bilanggo

Davao Prison and Penal Farm, nagpalaya ng 35 bilanggo

PINALAYA ng Davao Prison and Penal Farm ang 35 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa kustodiya nito.

Pinangunahan ni DPPF Regional Superintendent CT/SSUPT Albert C. Manalo, ang culminating activity sa naturang pasilidad ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Davao City.

Samantala, ang mga napalayang PDL ay binigyan ng kani-kanilang mga certificate of discharge, grooming kit at transportation allowance.

Pinaalalahanan ng regional superintendent ang PDL na panatilihin sa kanilang isipan at puso ang mga bagay na kanilang natutunan habang nasa loob ng bilangguan, at hindi na muling gumawa ng mga bagay na ikakasama ng kaniyang buhay.

Sa pagsisikap na i-decongest ang mga penal facility ng BuCor, layunin nito sa pamumuno ni Usec. Gerald Q. Bantag na makapaglabas ng mas maraming PDL na kwalipikado para sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) at iba pang kondisyon na tinukoy ng batas.


Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI NEWS in Tiktok

Follow SMNI NEWS in Instagram