Day 2 ng ‘Pure Energy: One More Time’ concert ni Gary Valenciano, matagumpay na naisagawa

Day 2 ng ‘Pure Energy: One More Time’ concert ni Gary Valenciano, matagumpay na naisagawa

MATAGUMPAY ang naging Day 2 ng ‘Pure Energy: One More Time’ Concert ni Gary Valenciano kahit na bumabawi pa ito mula sa nararanasang dehydration.

Ayon sa singer, “no weapons formed against me will prosper”.

Totoo nga namang bagamat nagkaroon ng mga panandaliang paghinto para i-check ang kaniyang kalusugan sa day 2 o nitong Disyembre 21, 2024 ay hindi nagpaawat ang singer.

Umabot pa ng dalawang oras ang concert.

Noong Biyernes, Disyembre 20 nang putulin ang day 1 ng concert dahil nga sa dehydration.

Dinala pa ang singer sa ospital dahil dito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble