LUMAGPAS sa higit 1.5-M ang international arrivals sa resort province ng Surat Thani sa Thailand.
Ayon kay Gov. Witchawut Jinto, umabot sa 2-M ang indibidwal na dumating sa probinsiya mula noong Enero.
Mula sa bilang na 1.5-M ang dayuhang bisita na kumakatawan sa higit 150% ng bisita na dumating sa probinsiya mula sa kaparehas na panahon noong 2022.
Ang dayuhang bisita ay nakapag-ambag ng higit 35-B baht na pagtaas mula sa 159% noong 2022.
Ayon sa gobernador, ang mga dayuhang bisita ay karaniwang ginagastos ang kanilang pera sa akomodasyon, pagkain, souvenir, entertainment activities, at transportasyon.
Ang hotel occupancy rate simula sa pagsisimula ng 2023 ay umabot sa 77% mula sa 38% noong 2022.