DBCC, positibo ang pananaw na patuloy ang paglago ng GDP ng bansa

DBCC, positibo ang pananaw na patuloy ang paglago ng GDP ng bansa

POSITIBO ang pananaw ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ng administrasyong Marcos na patuloy ang paglago ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.

Ibinahagi ito ng Office of the Press Secretary (OPS) kung saan ang Pilipinas ang iniulat na may pinakamabilis na paglago ng ekonomiya sa rehiyon ng Asya-Pasipiko sa susunod na taon.

Ikinatuwa naman ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman, na siya ring namumuno sa DBCC, ang 6.4% na GDP growth forecast sa Pilipinas ng Moody’s Analytics, isang kilalang economic research firm sa mundo.

Dagdag pa ng DBM chief, magandang indikasyon ito sa resulta na ginagawa ng gobyerno sa tamang paglalaan ng pondo sa mga economic drivers ng bansa at mga programang makatutulong sa sambayanang Pilipino.

Base pa sa ulat, kasunod ng Pilipinas ang mga bansang Vietnam na may 6.1% GDP China 5.1%, India 5.0%, Indonesia 4.7%, Thailand growth, 3.9%, at Malaysia na may 3.8% GDP growth.

Follow SMNI NEWS in Twitter