DBP, nagkaloob ng loan para sa isang solar power project

DBP, nagkaloob ng loan para sa isang solar power project

IPINAGKALOOB ng Development Bank of the Philippines (DBP) ang 254 million pesos na loan sa renewable energy firm na Upgrade Energy Philippines Inc. (UEP)

Gagamitin ng UEP ang loan para pondohan ang konstruksyon at pag-install ng 1, 500 kilowatts na solar power plant project sa ilalim ng photovoltaic installation lease agreement.

Ang UEP ang siyang contractor na nag-aalok ng renewable energy at energy efficiency technology solutions para sa iba’t ibang industriya.

Ayon sa DBP, palagi silang nakahanda para tumulong sa mga programa na may kaugnayan sa energy efficiency projects sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter