DDR Bill hindi maipapasa sa 18th Congress –Senator Zubiri

DDR Bill hindi maipapasa sa 18th Congress –Senator Zubiri

NAGPAHAYAG ng pagkadismaya si Senator Juan Miguel Zubiri kaugnay sa kapalaran ng Department of Disaster Response Bill o DDR.

Sinabi ni Zubiri, imposible itong maipasa sa Senado ngayong 18th Congress.

Bagama’t aprubado na sa 3rd and final reading ang bersyon ng Kamara ng nasabing panukala sa Nobyembre ng nagdaang taon ay nakabitin naman ang bersyon ng Senado.

Ayon kay Zubiri, na kasalukuyang majority floor leader sa Senado, suportado niya ang nasabing panukala pero di naman pabor dito si Senador Ping Lacson.

“I am personally in favor of that, but the Chair of the Committee Senator Ping is not in favor of a Department,” pahayag ni Zubiri.

Si Lacson ang chairman ng Senate Committee on Defense na siyang may hawak ng panukala para sa pagbuo ng DDR.  Aniya posibleng hindi ito mabigyan ng kaukulang pondo.

 “It is relatively easy to pass a law creating new departments. But would it be feasible, and will there be proper funding for it?” ani Lacson.

Sa kabila nito, tiniyak naman ni Zubiri na muling i-file ang DDR Bill sa 19th congress kung papalarin syang makabalik sa Senado.

 “So next Congress I will refile and push for it if I hopefully make it back,” saad ni Zubiri.

Sesyon sa Senado muling magbubukas ngayong araw sa kabila  ng banta ng Omicron

Samantala tuloy na tuloy ang pagbubukas ang sesyon sa Senado ngayong araw sa kabila ng banta ng Omicron variant.

Mamayang alas tres ng hapon ay ilan lamang sa mga senador at kanilang staff ang inaasahang magiging present sa session hall, habang ang iba naman ay  a-attend virtually.

Ang Senado at Kamara ay may tatlong linggo o hanggang Pebrero 4 na lamang para magsagawa ng session bago mag break para sa pag-umpisa ng campaign period.

“But to be practical about it this 3 weeks are really alanganin na talaga for major contentious bills,” dagdag ni Zubiri.

Dahil dito, naniniwala si Sen. Zubiri na alanganin ang bilang ng mga natitirang araw para maipasa sa plenaryo ang ilang mga priority bills.

Sa dokumento mula sa Senado, lagpas sa tatlumpo ang nakatakdang isalang sa session mamaya.

Ang mga ito ay nasa third and final reading, for interpellation, o for sponsorship.

Partikular na ihahabol sa plenaryo ang SBN 2470 o Increases Penalty for Quarantine Violators at Paglaum Fund para sa mga napinsala ng Bagyong Odette.

Mamayang hapon matapos ang pagbubukas ng session ay inaasahan na mag caucus ang mga senador upang talakayin kung ano mga magiging priority bills para sa mga nalalabing linggo ng session.

Follow SMNI News on Twitter