ABOT-kayang digital tablet para sa mga estudyante inilunsad, de kalidad.
Hinihikayat ng ABC Tech Ventures Inc. ang sinumang indibidwal partikular na sa mga mag-aaral na maaari nang makabili ng kanilang pinakabagong teknolohiya sa mundo gamit ang kanilang mga produkto na digital tablet.
Ang ABC Tech Ventures Inc. ay pagmamay-ari ng isang Filipino engineer na ang mga produkto ay ginawa mula sa China.
Nagsimulang nakilala ang mga digital tablet ng naturang kompanya simula nang nanalasa ang COVID-19 pandemic.
Sa pamamagitan ng online classes, minarapat nilang iparating ang mga tablet upang bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante ng educational learning experience sa pamamagitan ng digital technology gamit ang kanilang digital tablet.
Patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Department of Education (DepEd) para maipakilala ang kanilang iniaalok na mga produkto.
Mayroon nang 300 paaralan sa Pilipinas ang nakakuha na ng kanilang produkto.
Sa ngayon ang makabagong produkto na ipinagmamalaki ng kompanya ay X8, X10 at X10 tablets.