De Los Santos Medical Center, hindi na tatanggap ng COVID-19 patients

HINDI na rin tatanggap ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) related cases ang De Los Santos Medical Center sa Quezon City.

Base sa anunsyo ng Delos Santos Medical Hospital ngayong araw, ito ay dahil sa puno na ang kanilang intensive care unit (ICU) pati na ang kanilang designated isolation areas.

ADVISORY: We hope for your understanding as we will be unable to accommodate PUI admissions at the moment.

Posted by De Los Santos Medical Center on Tuesday, 24 March 2020

Bukod dito ay wala na rin silang sapat na personal protective equipment (PPEs) at iba pang medical supplies na kakailanganin upang makapag-admit sila ng dagdag na person under investigation (PUIs).

Sa ngayon ay available pa rin ang emergency room ng ospital para sa kahit anong medical concerns.

Nagpaalala naman ang pamunuan ng ospital sa publiko na manatili lang sa tahanan upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

Bukod sa De Los Santos Medical Center, nauna nang nag-anunsyo ang ilang pribadong ospital sa hindi pagtanggap ng COVID-19 patients ang Makati Medical Center, St. Luke’s Medical Center, at The Medical City.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.