Deadline ng voter registration sa Setyembre 30, hindi na palalawigin

Deadline ng voter registration sa Setyembre 30, hindi na palalawigin

PINAALALAHANAN ng Commission on Elections (COMELEC) ang publiko na hindi na palalawigin pa ang itinakdang deadline ng voter registration na magtatapos sa Setyembre 30, 2024.

Ito ay upang bigyang-daan ang maayos na pagproseso ng iba’t ibang voter applications sa nalalabing mga araw ng voter registration period.

Binigyang-diin ni COMELEC Chairman George Garcia, limang araw na lamang ang nalalabi para sa mga nais magparehistro, mag-transfer, o mag-reactivate ng kanilang voter registration bilang paghahanda para sa 2025 national at local elections.

Paalala rin ni Garcia na hindi lamang ang mga botante sa loob ng bansa ang sakop ng deadline na ito kundi pati na rin ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na kasalukuyang nasa ibang bansa.

Ibig sabihin, sa nasabing petsa ay magtatapos din ang registration period para sa OFWs na nais makilahok sa halalan sa 2025.

Samantala, sa mga nais magparehistro, maaaring magtungo sa mga COMELEC offices o registration centers na bukas mula 8 AM – 5 PM.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble