Deadline para sa online re-activation, pinalawig pa ng COMELEC

Deadline para sa online re-activation, pinalawig pa ng COMELEC

PINALAWIG pa ng Commission on Elections (COMELEC) ang online filing para sa re-activation.

Mula sa Setyembre 7 na deadline, base sa anunsiyo ng komisyon, extended ito hanggang Setyembre 25, 2024.

Ginawa ng COMELEC ang extension dahil na rin sa dami ng mga de-activated voters na kailangang mare-activate ulit.

Batay sa polisiya ng komisyon, awtomatiko ang deactivation ng mga botante na bigong makapagboto sa dalawang magkasunod na eleksiyon.

Samantala, para sa re-activation, maaring mag-apply para dito online basta kumpleto ang biometrics ng aplikante sa local COMELEC office kung saan ito nagparehistro.

Ang aplikasyon ay kailangang gawin sa pamamagitan ng opisyal na email address ng mga election officers sa buong bansa na makikita sa official website ng komisyon na www. comelec.gov.ph

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble