HINDI palalawigin ng Commission on Elections (COMELEC) ang itinakdang deadline para sa party-list groups na maghain ng kanilang manifestation of intent to participate para sa 2025 elections.
Ayon kay COMELEC chairman George Garcia, maraming grupo ang nakakapagsumite ng manifestation of intent kung kaya’t bakit hindi ito kayang gawin ng ibang nananawagan ng extension.
Ang manifestation of intent to participate ay kailangan ng mga party-list organization kasama ang kanilang petitions for registration sakaling nais nilang lumahok sa isang eleksiyon.
Sa datos, nasa mahigit isang daan (106) na organisasyon ang nakapaghain ng manifestations of intent to participate hanggang noong December 29, 2023 deadline.
Mas mababa naman ang bilang ng nanawagan ng extension para sa 2025 elections kumpara sa mga party-list na sumali noong 2022.