Deadline sa pagbabayad ng contribution sa PhilHealth, pinalawig

PINALAWIG ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang pagbabayad ng contributions hanggang Abril 30, 2020.

Ito ay dahil sa umiiral na Luzon enhanced community quarantine na ipinatutupad ng pamahalaan dahil sa banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sa public advisory ng PhilHealth sa social media, sakop sa pagpapalawig ang lahat ng miyembro kabilang na ang mga self-paying individuals, professional practitioners at mga miyembro sa ilalim ng group enrollment scheme.

Extended hanggang April 30, 2020 ang pagbabayad ng PhilHealth contribution ng self-paying direct individuals,…

Posted by Philippine Health Insurance Corporation on Thursday, 26 March 2020

Kasabay nito ay inalis din ng PhilHealth ang lahat ng penalties o interest sa sinumang hindi makakabayad ng contributions para sa unang kwarter ng taong 2020.

Kahit pinalawig ng PhilHealth ang deadline, inabisuhan naman nito ang mga myembro na maaari pa ring magbayad sa pamamagitan ng online.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.