Deadline sa paghahain ng petisyon para maharang ang extradition kay dating Cong. Teves, hanggang Hulyo 29 pa

Deadline sa paghahain ng petisyon para maharang ang extradition kay dating Cong. Teves, hanggang Hulyo 29 pa

MAY sapat pa aniyang panahon ang kampo ni dating Negros Oriental Congressman Arnolfo Teves Jr. para maghain ng apela para harangin ang extradition case sa kaniya.

Ipinaliwanag ni Atty. Ferdinand Topacio na batay kasi sa batas o rules of procedure sa Timor-Lester ay binibigyang pagkakataon ang sinuman na makapaghain ng apela sa loob ng 30 araw, simula sa araw na lumabas ang naunang desisyon.

Ibig sabihin aniya ay matatapos ang deadline nito sa Hulyo 29 para kuwestiyunin sa Court of Appeals ng Timor-Lester ang pagkatig ng naturang bansa sa kahilingan ng Pilipinas na mapabalik si Teves sa ating bansa.

Nilinaw naman ni Topacio na mayroong ibang grupo ng mga abogado ang naroon ngayon sa Timor-Leste para asikasuhin ang petisyon.

Magugunitang si Teves ay itinurong mastermind sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Regalo at iba pa kaya nagtago ito sa Timor-Leste.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble