Death Penalty Bill, posibleng maipasa na sa Kongreso —Senator Dela Rosa

NANINIWALA si Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa na susuportahan din ng Senado ang muling pagbuhay ng death penalty sakaling makakarating na ito sa Mataas na Kapulungan.

Ito ayon kay Dela Rosa ay dahil pito sa mga senador ang may-akda ng naturang panukalang batas at malaki ang paniniwala nitong makumbinsi rin ang iba pang mga senador kapag masimulan na ang debate sa Senado.

Matatandaan na bilang dating hepe ng Philippine National Police, tanging plataporma ni Senator Bato ang death penalty.

Muling nabuhay ang usapin ng pagpasa ng panukalang death penalty kasunod ng pagkakabaril-patay ng isang opisyal ng pulis sa mag-inang Gregorio sa Paniqui, Tarlac kamakailan lang.

Dahil dito, hinimok ni Dela Rosa ang mga kapwa senador na magsagawa ng pagdinig hinggil sa nasabing insidente.

Bukod kay Dela Rosa, kabilang sa mga may-akda ng Dealth Penalty Bill sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso sina Senador Sherwin Gatchalian, Christopher Lawrence ‘Bong’ Go, Panfilo Lacson, Manny Pacquiao, Imee Marcos, at Senate President Vicente Sotto III.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.