PABOR si Leyte Representative Richard Gomez na muling ibalik ang death penalty.
Sa isang panayam sa kongresista, nais nitong ipataw ang parusang kamatayan lalo na sa mga big-time na drug traffickers sa bansa.
Iginiit din nito na kailangan na ng malakas na puwersa para labanan ang kalakaran ng ipinagbabawal na droga sa bansa.
Sinabi pa ni Gomez na kailangan na ng mas mabisang hakbang upang tiyak na mapuksa at mabawasan ang mga insidenteng dulot ng iligal na droga.