Death penalty para sa pulis at sundalo na nakagawa ng krimen, ipinanawagan sa Senado

Death penalty para sa pulis at sundalo na nakagawa ng krimen, ipinanawagan sa Senado

MULI na namang lumutang ang usapin sa death penalty sa Senado.

Sinabi ni Senator Robinhood Padilla sa isang pagdinig na dapat patawan ng mas mabigat na parusa ang mga security personnel na nakagawa ng krimen.

Paliwanag ni Padilla, hindi tulad ng mga terrorist at extremist, ang mga sundalo at pulis na naligaw ng landas ay hindi na doktrinahan ng  maling edeolohiya.

 “E malinaw naman po na itong ating mga bayaning sundalo na naligaw ng landas, ito po ay mga nabigyan po ito ng tamang orientation, tamang ideology, tamang pag-iisip, na naligaw? Di ba po dapat mas matindi ang parusa dito mahal na tagapangulo,” pahayag ni Sen. Robinhood Padillla.

Para kay Senator Padilla, parusang bitay o kamatayan ang dapat ipataw sa mga nasabing security personnel dahil sila ay nanumpa sa Diyos, bayan at Pilipino sa kanilang tungkulin.

 “’Di ba dapat mahal na tagapangulo na ito ang panahon para tayo makapagbigay ng tamang usapin sa death penalty? Ito po ba ay hindi pa panahon para ibalik na natin ang death penalty? Hindi na po ito, para sa akin ay anong klase ka bang tao na ikaw ay napunta pa sa ganito?” saad ni Robin.

Ang suhestiyon ni Padilla ay sinang-ayunan ni Senator Ronald dela Rosa.

Para kay Dela Rosa, dapat times 3 ang bigat ng parusang ipapataw sa mga pulis na involved sa droga kumpara sa mga ordinaryong sibilyan.

“Ganoon din sa cite mo ngayon na isang sundalong trained ng gov’t binigyan ng special skills, napakagaling bumaril, napakagaling lumaban, tapos ang kaniyang kagalingan sa pagbaril at pakipaglaban ay ginamit sa mga inosenteng civilian. So tama ang policy direction mo na binabanggit. I am with you kung mag-file ka ng measure towards that direction,” saad ni Sen. Ronald dela Rosa.

Bukod sa mga security personnel ay nais din ni Padilla na patawan ng death penalty ang mga politiko na naging drug lords.

Follow SMNI NEWS in Twitter