Death toll ng COVID-19 sa buong mundo, lampas 2.5-M na —Johns Hopkins

LUMAMPAS na sa 2.5 milyon ang bilang ng mga taong namatay mula sa coronavirus sa buong mundo ayon sa Johns Hopkins University.

Sa huling datos ng US-based school, nasa 112.7 milyon na ang kabuuang nagpositibo sa virus sa mundo.

Sa ngayon ang United States ay may 506,000 na nasawi at may pinakamaraming impeksyon na 28.3 milyon na sinundan ng India na may 11 milyon at Brazil na may 10.3 milyong impeksyon.

Kaugnay naman sa death toll ng COVID-19 sa mga bansa, ang Brazil ang sumunod sa Amerika na may 249,957 ang nasawi habang ang Mexico ang pangatlo na may 182,815.

Iniulat naman ng World Health Organization (WHO) na bumababa na ang global coronavirus cases sa anim na magkasunod na linggo.

Maging ang global deaths ay bumaba na rin simula noong Enero 20 kungsaan 17, 843 ang naiulat na nasawi.

Patuloy naman ang distribusyon ng mga bakuna sa buong mundo sa pagkikipaglaban sa nasabing virus.

Sa ngayon ay pinag-aralan pa ng mga siyentista ang mga bakuna kung ang mga ito ay epektibo rin sa pakikipaglaban sa mga bagong variant na lumilitaw sa mundo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.