LUMAGPAS na sa higit 100 katao ang namatay sa Florida bunsod ng Hurricane Ian na isa sa pinaka malakas na bagyong humagupit sa United States ayon sa mga opisyal.
Kinumpirma ng Florida Medical Examiners Commission na umakyat na sa 102 katao ang namatay dahil sa Hurricane Ian.
Bukod dito ay nasa 5 katao ang namatay sa North Carolina ayon sa gobernador nito.
Matapos itong maglandfall, dinaanan ng bagyong Ian ang Florida at Atlantic Ocean bago ito tumungo sa South Carolina Coast.
Ayon sa mga opisyal, maaaring abutin ng ilang buwan at nasa $50-M o higit pa ang kakailanganin upang maayos ang nasirang coastal zones ng Florida.