NASAWI ang sampung Lebanese sa dalawang airstrikes na inilunsad ng Israel.
Ito ay ayon sa Lebanese militant group na Hezbollah ang pinakamaraming naitalang nasawi sa nakalipas na apat na buwang palitan ng airstrikes.
Dahil sa pangyayari ay ipinangako ng Hezbollah na gaganti sila sa Israel.
Kasunod din naman ang airstrike ng Israel sa ginawang paglunsad ng Hezbollah ng projectile na ikinamatay ng isang Israeli soldier.
Ang Hezbollah ay nakikisimpatiya sa Hamas militant group ng Palestine na kasalukuyang may digmaan sa pagitan ng Jerusalem.