ISINAPUBLIKO na finally ang magiging schedule ng debut concert ni Sofronio Vasquez sa Cebu!
Sa isang social media post, ngayong Enero 18, 2025, 8 PM ang concert at gaganapin ito sa Waterfront Cebu City Hotel and Casino.
Ang ticket prices ay nasa P1,300 – P5K. Si Sofronio ay ang kauna-unahang Pinoy at Asian na nag-champion sa Season 26 ng ‘The Voice USA’.
Sa kaniyang naging performance sa finals, ‘a Million Dreams’ ang kinanta nito mula sa pelikulang ‘The Greatest Showman’.