PERSONAL na pinuri ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, Jr. ang buong pamunuan ng Philippine National Police (PNP) at lahat ng local government units (LGUs) dahil sa matagumpay na pagtatapos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at Undas 2023.
Ani Abalos, tunay na kahanga-hanga ang dedikasyon ng mga ito sa paglilingkod sa bayan kasunod ng deklarasyon ng Commission on Elections (COMELEC), PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) na generally peaceful ang nasabing halalan at Undas.
Bukod sa PNP at LGUs, pinasalamatan din ng kalihim ang lahat ng PNP Regional Offices at yunit nito, partner agencies, non-government organizations at volunteers na naging tulay para maipatupad ang maayos na latag ng seguridad at pagpapanatili ng kaayusan mula sa dalawang malaking aktibidad sa bansa.