Defense agreements ng Marcos Jr. gov’t sa ibang mga bansa, kinuwestiyon

Defense agreements ng Marcos Jr. gov’t sa ibang mga bansa, kinuwestiyon

NASA Pilipinas kamakailan si German Federal Minister of Defense Boris Pistorius para sa isang defense deal na nakatakdang pirmahan bago matapos ang taon.

Sa gitna ito ng tensiyon sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Bukod diyan, kagagaling lang din sa bansa ng mga Amerikano para tiyakin na magpapatuloy ang paggamit nila sa Pilipinas bilang imbakan ng kanilang military assets.

Kapalit nito ay mga defense aid na hindi agad makukuha ng Pilipinas kasi kailangan pa itong aprubahan ng Kongreso ng Amerika.

Ngunit para sa geopolitics expert na si Prof. Anna Malindog-Uy, kuwestiyunable ang palagiang pagpasok ng Marcos Jr. administration sa defense agreements sa ibang mga bansa.

“Bakit ba lahat na lang na mga agreements na we enter parang were trying to get into is parang defense, karamihan defense,” ani Prof. Anna Malindog-Uy, Geopolitical Expert.

Bukod sa US at Germany, nariyan din ang Japan na palagiang may defense agreement sa Pilipinas.

Sa resulta ng Pulse Asia Survey na inilabas nitong Hulyo, number 1 sa pinareresolba ng mga Pilipino sa kasalukuyang gobyerno ay ang problema sa inflation o taas sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

Pangalawa ang pagtaas sa sahod ng mga manggagawa na sinundan ng panawagang ibaba ang bilang ng kahirapan sa bansa.

Sa kaparehas na survey, pang-apat sa pinakahuling concern ng mga Pinoy ang pag-depensa sa integridad ng Pilipinas laban sa mga dayuhan—pasok dito ang South China Sea issue.

“Ano ba talaga ang problema ng Pilipinas? Ang problema ba talaga ng Pilipinas ay may kinalaman sa defense o may kinalaman sa ekonomiya? 4.4% ang inflation this July. Hindi ba ‘yan nakikita ng current government? Na ang kailangan nila i-address at ang kailangan nilang pagtutukan ng pansin is ang taas-taas ng bilihin—ang inflation is too high,” giit ni Prof. Malindog-Uy.

Sa huli, nanawagan si Malindog-Uy sa Pilipinas na patuloy na magsalita at ipahayag ang concerns sa kasalukuyang gobyerno.

Dahil hindi tama na palaging defense at military pacts ang pinapasok ng pamahalaan.

Lalo pa’t walang nakikitang resulta ang taumbayan sa foreign trips ni Marcos Jr. buhat nang ito’y maupo sa puwesto.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble