Defense Sec. Carlito Galvez sa AFP: Dapat malinis ang kasundaluhan!

Defense Sec. Carlito Galvez sa AFP: Dapat malinis ang kasundaluhan!

IGINIIT ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr. sa mga tauhan ng Philippine Army na dapat malinis ang kasundaluhan!

Ito ay matapos ang ginawa nitong pulong sa Army Headquarters sa Fort Bonifacio Taguig nitong araw ng Miyerkules.

Batid ng kalihim ang magandang performance ng Armed Forces of the Philippines (AFP) mula pa sa mga nagdaang administrasyon lalo na sa usapin ng tiwala ng publiko.

Kung kayat nais niya itong panatilihin sa ilalim ng kanyang pamunuan katuwang ang bagong liderato ng AFP.

Isa sa dahilan ng pakikipagkita ni Galvez sa mga tauhan ng Philippine Army ay tiyaking buo at solido ang buong hanay ng AFP at Department of National Defense (DND).

Nauna na kasing lumabas ang kontobersiyal alitan diumano sa loob ng AFP at DND, gayunpaman, pinabulaanan agad ito nina Galvez at AFP chief of staff General Andres Centino.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter