Defensor, binuweltahan ang pahayag ni Robredo kaugnay sa ABS-CBN franchise

Defensor, binuweltahan ang pahayag ni Robredo kaugnay sa ABS-CBN franchise

Infinix

MASAKIT para kay Anakalusugan Party-list Representative Mike Defensor na naging pahayag ni VP Leni Robredo sa naging desisyon ng Kamara sa prangkisa ng ABS-CBN.

 

Sa naging panayam ng SMNI News, giit ng mambabatas hindi ito katanggap-tanggap lalo na’t alam nilang nagtrabaho sila ng maayos.

 

Samantala, may isang katanungan lamang ang mambabatas sa partido ni VP Robredo.

 

“Isa lang naman ang katananungan ko. Ang Partido Liberal ay andoon noong 2014. Siya (VP Robredo) ang presidente ng Partido Liberal. Hindi ko alam ang posisyon niya noong 2014. Ang speaker si Sonny Belmonte ng Partido Liberal. Ang Senate President si Senator Drilon ng Partido Liberal. Bakit noong may panahon, noong pwede niyong gawin, iyong Liberal Party hindi inaprubahan itong prangkisa. So kung mayroong sisihin dito, bakit niyo sinisisi ang isang Kongreso na may sampung buwan para magdesisyon at para magtrabaho at ginawa namin ang aming trabaho at inayos namin ang aming desisyon… parang unfair na parang wala ka nang ginawang tama. Yung partido naman nila hindi inaprubahan ito noong na sa kanila ang panahon,” pahayag ni Defensor.

 

Una nang nagpahayag ng kaniyang pagkadismaya ang pangalawang pangulo ng Pilipinas na si Robredo kasunod ng pagbasura ng Kamara sa franchise application ng ABS-CBN.

 

Ayon kay Robredo, nagpapakita ng dictator move ang naganap na pag-deny sa isinusulong na renewal ng prangkisa ng ABS-CBN Corporation.

 

Hindi rin sinang-ayunan ng Malakanyang ang naging komento ni Robredo.

 

Binigyang-diin ng Palasyo na ang nangyari noong panahon ng martial law ay pinasara ang naturang media network habang ang kasalukuyang sitwasyon ay napaso ang prangkisa at hindi na-renew.

 

“With all due respect, we disagree but we do so vehemently. Alam po natin ang nangyari sa panahon ng martial law. May prangkisa po, pinasara. Pero nangyari po ngayon, napaso ang prangkisa, hindi na renew,” paglilinaw ni Roque.

 

Ipinunto rin ng Palace spokesman na kapag ang pamamahayag ay nakadepende sa prangkisa, kinakailangan ding masunod ang probisyon  ng Konstitusyon na dapat mayroong franchise na nanggagaling sa Mababang Kapulungan.

 

SMNI NEWS

One thought on “Defensor, binuweltahan ang pahayag ni Robredo kaugnay sa ABS-CBN franchise

Leave a Reply

Your email address will not be published.