Defensor, tinanggal bilang vice chair ng House Committee on Legislative Franchises

MULING tinanggal sa komite si Anakalusugan Representative Mike Defensor matapos tanggalin ito bilang vice chair ng House Committee on Legislative Franchises.

Pinalitan naman ni Zamboanga Sibugay Rep. Wilter Palma sa puwesto si Defensor.

Una nang tinanggal si Defensor bilang chairman ng House Committee on Public Accounts matapos maalis bilang House Speaker si Taguig Representative Alan Peter Cayetano at pumalit si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Matatandaan na inalis rin bilang vice chairman si Defensor sa lima pang komite ng Kamara. (Basahin: Liderato ng Kamara, nanindigan sa desisyon na tanggalan ng 5 vice-chairmanships si Defensor)

Nanindigan naman ang liderato ng Kamara sa pasya nila na tanggalan ng limang committee vice-chairmanships si Anakalusugan Partylist Representative Mike Defensor.

Tinanggal kay Defensor ang pagiging vice chair ng Committees on Health, Public Information, Dangerous Drugs, Good Gov’t & Public Accountability at Special Committee on Strategic Intelligence.

Ayon kay Deputy Speaker Lito Atienza, tinanggalan si Defensor bilang “direct consequence” sa pagtuligsa kay House Speaker Lord Allan Velasco.

Isa si Defensor sa pitong miyembro ng Back to Service o BTS sa kongreso na pinamumunuan ni dating House Speaker Cayetano at nangunguna sa mga kontrobersyal na imbestigasyon ng Kamara tulad ng pagbibigay ng prangkisa ng ABS-CBN at utang ng pamilya Lopez sa Development Bank of the Philippines, at iba pa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.