NILINAW na ng Presidential Communications Office (PCO) na hindi special half-working day ang December 22.
Pahayag ito mismo ni Communications Sec. Cheloy Garafil matapos kumalat ang umano’y kopya ng isang dokumentong sinasabing Proclamation no. 427.
Nakasaad sa pekeng proklamasyon, sanhi umano ng pagdedeklara ng half-working day ay ang inaasahang mabigat na daloy ng trapiko sa buong bansa dahil sa Christmas long weekend.
Ang totoong Proclamation no. 427 naman na naka-upload sa website ng official gazette ay tungkol sa deklarasyon ng siyam na indibidwal bilang “Manlilikha ng Bayan” para sa 2023.
Kaugnay nito ay humingi na rin ng paumanhin si Presidential Assistant for Strategic Communications Cesar Chavez matapos nai-post nito ang pekeng proklamasyon.
Inamin niya na hindi niya nai-verify ang naturang impormasyon.