Dekriminalisasyon sa paggamit ng iligal na droga, isusulong ni Sen. Dela Rosa

Dekriminalisasyon sa paggamit ng iligal na droga, isusulong ni Sen. Dela Rosa

ISUSULONG ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na i-decriminalize ang paggamit ng iligal na droga para mabawasan ang dami ng mga kulungan at tugunan ang drug addiction bilang isyu sa kalusugan sa halip na isang usapin sa pagpatutupad ng batas.

Ayon kay Sen. dela Rosa na siya ring namumuno sa Senate Public Order and Dangerous Drugs Committee ginawa niya ang pahayag nang tanungin siya tungkol sa mungkahi ni Senador Robin Padilla sa pagdinig ng Senate panel kamakailan.

Aniya siya ang may-akda ng panukalang batas at siya mismo ang gumawa at nag-author niyan dahil gusto niya ito.

Gayunpaman, nilinaw niya na ang pagtutulak ng droga, pagmamanupaktura, at trafficking ay hindi kasama sa kanyang panukalang batas.

Follow SMNI NEWS in Twitter