SA kauna-unahang pagkakataon sa loob ng apatnapu’t limang taon sa industriya, nasungkit ng aktres na si Demi Moore ang kanyang Acting Award sa Golden Globes 2025.
Nakuha ng 62-year old actress ang kanyang Best Female Actor – Motion Picture – Musical/Comedy sa pelikulang ‘The Substance’.
Itinuring ni Demi ang kanyang sarili bilang isang popcorn actress na bagama’t matagumpay at kumikita ang kanyang mga pelikula ay hindi pa rin kinikilala ang kanyang pag-arte.
Nagpasalamat naman si Demi Moore sa kanyang mga tagasuporta at sa mga taong naniniwala sa kanya sa mga panahong siya mismo ay hindi naniniwala sa kanyang sarili.
Samantala, nagpasalamat naman sa Aliw Awards ang Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose sa dalawang trophy na natanggap bilang pagkilala sa kanyang kakayahan bilang artist.
Nakuha ni Julie Anne ang pagkilala bilang Entertainer of the Year Award at Best Collaboration in a Concert kasama si Stell Ajero ng SB19 sa 37th Aliw Awards.