NAGKAROON ng 80 percent na pagtaas sa kaso ng dengue sa bansa.
Sa surveillance report ng Department of Health (DOH), mula Enero 1 hanggang Nobyembre 16, 2024, nasa 341K (340,860) ang dengue cases.
Mas mataas ito sa 189K (188,574) lang na kaso sa kaparehong panahon noong taong 2023.
Ang ikinaganda lang nito ay mas mababa ang death toll ngayong 2024 kumpara noong nakaraang taon.
Ayon sa DOH, nangangahulugan lang na komukonsulta na ang mga tao bago pa man lumala ang kanilang nararamdaman.