MAY pagtaas ngayon sa dengue cases ayon sa Department of Health (DOH).
Kumpara sa 29,021 na kaso ng dengue noong Hulyo 21 hanggang Agosto 3, tumaas ito ng 25% mula Agosto 4-17.
Ang 25% na pagtaas ay katumbas ng 36,335 dengue cases.
Sa kabuuan, mula Enero hanggang Setyembre 6, nasa 208,965 na ang dengue cases sa bansa.
Mas mataas naman ito ng 68% kumpara sa 124,157 na kaso sa kaparehong panahon noong 2023.
Nasa 546 rin ang kabuuang death toll.