Dengue cases sa bansa, malapit nang umakyat sa 100-K

Dengue cases sa bansa, malapit nang umakyat sa 100-K

UMAKYAT na sa mahigit 92,000 ang kaso ng dengue sa bansa na mas mataas ng 118 porsiyento kung ikukumpara noong nakaraang taon ayon sa Department of Health (DOH).

Karamihan sa mga kaso ng dengue sa Pilipinas ay nanggaling sa Region 2, 7, at National Capital Region (NCR).

 

Sa kabuuan, karamihan sa mga kaso ng dengue ay naiulat mula sa:

Region III (15,951, 17%)

Region VII (9,429, 10%)

NCR (7,962, 9%)

Sa kabuuan, nakapagtala ng 92, 343 kaso ang bansa mula Enero 1-Hulyo 23 , 2022.

Ayon sa DOH, 118 porsiyento na mas mataas ito kung ikukumpara sa magkatulad na panahon noong 2021.

Sa datos pa ng DOH, mula Hunyo 26-Hulyo 23, 2022 karamihan sa mga dengue cases ay galing sa Region III, NCR at CALABARZON kung saan 21, 566 ang naitalang kaso.

 

Rehiyon na may pinakamataas na bilang ng kaso ng dengue mula Hunyo 26-Hulyo 23, 2022):

Region III: 5,186 (24%)

NCR: 2,374 (11%)

CALABARZON: 2,178 (10%)

Dagdag pa ng DOH, 9 mula sa 17 na rehiyon sa nakalipas na 4 na linggo ay lumagpas na sa epidemic threshold.

At lumalabas aniya na ang Mimaropa, at NCR ang nagpapakita ng increasing trend mula Hunyo 26-Hulyo 23, 2022.

Mula naman sa naiulat na dengue case ay 344 na ang nasawi katumbas ito ng 0.4% na case fatality rate.

 

Ang mga pagkamatay na ito ay naiulat sa:

Enero: 36

Pebrero: 31

Marso: 39

Abril: 46

Mayo: 63

Hunyo: 73

Hulyo: 56

Paalala naman ng DOH na makiisa 4 o’clock habit, maglinis ng kapaligiran huwag hayaang natengga sa matagal na panahon ang mga iniipong tubig sa kanilang mga drum.

Hanapin ang mga maaaring pamugaran ng lamok at mag spray sa mga hotspot areas.

Follow SMNI News on Twitter