Dengue cases sa Central Visayas, pumalo na sa 6K

Dengue cases sa Central Visayas, pumalo na sa 6K

UMABOT na sa 6,000 ang kaso ng dengue sa Central Visayas sa unang anim na buwan ng taong ito.

Ayon sa Department of Health Region 7, 5,880 na ang naitalang kaso mula Enero, kung saan sampu na ang nasawi.

Pinakamarami ang kaso sa lalawigan ng Cebu na may 2,939, sinundan ng Bohol na may 1,275, Cebu City na may 999, Lapu-Lapu City na may 378, at Mandaue City na may 289.

Ayon kay Dr. Ronald Jarvik Buscato ng DOH Region 7, mas mataas ng tatlong porsyento ang bilang ng kaso ngayon kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Kaya’t muling nagpaalala ang DOH na agad kumonsulta sa doktor o pinakamalapit na ospital kapag nakararanas ng mga sintomas tulad ng:

– lagnat,

– matinding sakit ng ulo,

– pananakit ng katawan at kalamnan,

– mga pantal sa balat.

Hinikayat din ng ahensya ang publiko na sundin ang 4S kontra dengue. Kabilang rito ang Search and Destroy, Secure Self-Protection, Seek Early Consultation at Support Fogging and Misting.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble