Dengue cases sa Negros Occ mataas ng mahigit 400% ngayong taon vs. 2024

Dengue cases sa Negros Occ mataas ng mahigit 400% ngayong taon vs. 2024

UMABOT na ng 1,256 ang naitalang dengue cases sa Negros Occidental simula Enero 1 hanggang Marso 8, 2025.

Batay ito sa record ng kanilang Provincial Health Office. Mataas anila ito ng 412.65 percent kumpara sa 245 lang na naitala noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.

Sa naitalang dengue cases ngayong taon, nasa anim na ang nasawi.

Kaugnay nito, hinikayat ng Department of Health (DOH) na kailangang palakasin pa ng Negros Occidental ang kanilang search and destroy operations upang mapigilan ang pagdami ng mga nagkakasakit ng dengue.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble