TINIYAK ng model actress na si Deniece Cornejo na itutuloy niya ang kasong panggagahasa at pang-aabuso laban sa aktor na si Vhong Navarro, matapos itong inaresto at nakakustodiya sa National Bureau of Investigation (NBI).
Sinabi ni Cornejo na paninindigan niya ang laban para maging instrumento siya sa mga kababaihan na inaabuso, sinasamantala at ginagahasa.
Kasalukuyang nasa Amerika si Cornejo pero plano na nitong bumalik sa Pilipinas para harapin sa korte si Navarro.
Kasong rape na walang pyansa at act of lasciviousnes ang kinakaharap ni Navarro sa Taguig City Regional Trial Court.