Denmark, humingi ng paumanhin sa libu-libong PWDs na naabuso sa kanilang mga pasilidad

Denmark, humingi ng paumanhin sa libu-libong PWDs na naabuso sa kanilang mga pasilidad

HUMINGI ng paumanhin ang pamahalaan ng Denmark sa libu-libong persons with disabilities (PWDs) na napaulat na naabuso sa mga pasilidad na pinamamahalaan mismo ng gobyerno.

Nasa 15 libong kabataan at nakatatanda ang naabuso mula pa noong 1933 hanggang 1980 batay sa ulat.

Halimbawa sa naranasan ng PWDs ay psychological at sexual abuse at hindi maayos na medical treatments.

Inamin ng pamahalaan ayon sa Social Affairs Minister ng Denmark na may kakulangan sila sa pagmo-monitor ng kaligtasan ng PWDs.

Tiniyak naman nito na hindi na mauulit ang pang-aabuso lalo na’t hindi aniya ganito ang totoong ugali ng mga taga-Denmark.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter