ISASARA na ng bansang Denmark ang operasyon ng Danish International Adoption (DIA), ang nag-iisang international adoption bureau ng bansa dahil sa mga iregularidad.
Dahil dito, sinuspinde rin ng Social Affairs Ministry ng Denmark ang adoptions mula sa anim na bansa kabilang na ang Pilipinas.
Ang limang iba pa ay ang Czech Republic, India, South Africa, Taiwan, at Thailand.
Una na ring itinigil ng Denmark noong 2023 ang adoptions mula naman sa Madagascar sa gitna ng kontrobersiya ng mga pandaraya.
Batay sa datos ng DIA, nasa 400-500 bata ang na-adopt ng Denmark mula sa ibang bansa simula 1970s hanggang 2010 pero bumababa na ang bilang na ito.
Sa ngayon ay may 36 na adoption procedures pa ang naghihintay pero wala pang inilabas na detalye ang Denmark kung matutuloy pa ang mga ito.