DENR, bumuo ng Task Force Naujan Oil Spill

DENR, bumuo ng Task Force Naujan Oil Spill

BUMUO na ng task force ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang protektahan ang marine ecosystem matapos ang nangyaring oil spill sa karagatan ng Naujan, Oriental Mindoro.

Sa isang pahayag, sinabi ng DENR na nabuo ang “Task Force Naujan Oil Spill” matapos ang isinagawang emergency meeting kasama ang Philippine Coast Guard, Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor, at Naujan Mayor Henry Joel Teves.

Itinalaga ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga bilang task force commander si Undersecretary at Chief of Staff Marilou Erni na nagsilbi rin bilang corporate ground response coordinator sa Guimaras Oil Spill noong 2006.

Ayon sa DENR, maglalagay ang PCG ng spill booms para protektahan ang locally-managed marine protected areas (LMMPAs).

Magsasagawa rin ang task force sa pakikipagtulungan sa PCG at Philippine Air Force ng aerial surveillance sa mga susunod na araw para tingnan ang sitwasyon.

Sinabi ng DENR na nasa 21 LMMPAs ang posibleng maapektuhan bunsod ng oil spillage.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter