IIMBESTIGAHAN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kontrobersyal na quarrying sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay DENR Undersecretary for Policy Planning and International Affairs Jonas Leones, batay sa inisyal na ulat ng MGB Region 4A (Calabarzon) ay hindi bababa sa 10,000 cubic meters ng lupa ang nakuha mula sa quarrying site na hindi bababa sa 6,000 cubic meters ang lupang nawawala.
Ani Leones na may nakita silang tunnel at heavy equipment na hindi na umaandar.
Dagdag pa nito na nakakuha rin ang DENR ng sample ng lupang nakuha mula sa quarrying site para masuri ang kalidad nito.
Samantala nangako si Leones na ilalabas ang mga natuklasan nito sa mga susunod na linggo.