DENR, kinuwestiyon sa pagpapalabas ng environmental compliance certificate sa Manila Bay reclamation projects  

DENR, kinuwestiyon sa pagpapalabas ng environmental compliance certificate sa Manila Bay reclamation projects  

KINUWESTIYON ng ilang mambabatas ang ahensiya sa pagpapalabas ng Environmental Compliance Certificate (ECC) sa Manila Bay reclamation projects sa kabila ng posibleng negatibong epekto nito sa kapaligiran.

Ito ay sa ginanap na budget Department of Environment and Natural Resource (DENR) hearing sa Kamara nitong Miyerkules.

Agosto 7 nang pinasuspinde ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang lahat ng mga reclamation project sa Manila Bay matapos makatanggap ng mga reklamo.

Sa budget hearing ng Kamara sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) nitong Miyerkules, tinukoy ni House Deputy Minority Leader at OFW Party-list Rep. Marissa Magsino ang mga reklamo sa mga reclamation project.

Tulad na lamang sa pagkasira ng mga bakawan, pagkasira ng tahanan ng mga yamang dagat, at pagkawala ng kabuhayan ng daan-daang mga mangingisda at kanilang mga pamilya sa lugar.

Kaya naman kinuwestiyon ni Congw. Magsino ang ahensiya dahil sa pagpapalabas ng Environmental Compliance Certificate (ECC) sa Manila Bay reclamation projects.

Ayon sa Philippine Reclamation Authority, nasa 13 reclamation projects o katumbas ng 6,000 ektaryang tubig sa Manila Bay ang inaprubahan at ang mga ito ay nabigyan ng ECC ng DENR.

“Did we not foresee the complaint of negative effect of these projects to the environment of the Manila Bay? Ang nakakalito po kasi ‘yung pong ating project is to have a clean water pero ang ginagawa po ng PRA ay sila po ang nagtatambak for the reclamation. So, parang contradicting po,” wika ni Congw. Marissa Magsino, House Deputy Minority Leader.

“Did DENR coordinate with PRA on this project with respect to the objectives of the Manila Bay Coastal?” dagdag ni Magsino.

“In our view, there is a contradiction between the reclamation projects and the rehabilitation of the bay. If a cumulative impact assessment is not conducted to mitigate the possible impacts of the changes in the environment that the reclamation may actually cause,” ayon kay Sec. Maria Antonia Yulo-Loyzaga, Department of Environment and Natural Resources.

Ang DENR ay ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan sa Pilipinas na nagpapatupad ng 2008 Supreme Court Mandamus na nag-uutos sa pamahalaan na i-rehabilitate, linisin, at ibalik ang Manila Bay para sa recreational na paggamit at pagpapaunlad ng mga yamang pangisdaan.

“The reclamation initiatives, Mr. Chair, were a completely separate initiative. And at this point, in line with the president’s directive, we are in fact supporting the assessment of the impact of this proposal on the work on the mandamus. This is the foundation of the cumulative impact assessment and we will be actually making a recommendation when the scientists have completed their study,” dagdag ni Loyzaga.

Ayon kay Sec. Loyzaga, ang unang batch ng mga siyentipiko na inanyayahan para sa cumulative impact assessment ay pinangungunahan ng mga Pilipino.

Makikipagtulungan din sila sa mga banyagang eksperto para makahingi ng mga payo pero tiniyak nitong ang team na bubuo sa gagawing assessment ay pamumunuan ng mga Pilipinong oceanographer, marine biologist, at iba pang mga dalubhasa sa lipunan.

“The intention of the conduct of the cumulative impact assessment is that instead of evaluating each and every project proposal individually, there will now be an effort to create a situation or a scenario where all these reclamations will actually occur, and what impact that would bring to the baseline condition of the Manila Bay as we know it,” ani Loyzaga.

Sa huli, pinasusumite ni Congw. Magsino ang DENR ng isang written explanation ukol sa kung bakit naglabas ito ng ECC para sa mga reclamation project kahit na hindi pa isinagawa ang impact assessment.

“Papaano po nangyari na nabigyan po ng ECC ito pong reclamation project na ito. Kung ito po ay makakaapekto doon po sa inyong project na water sanitation, water cleaning. Di ba po? In the interest of time, pakisubmit na lang po,” ayon pa kay Magsino.

Tiniyak naman ni Sec. Loyzaga na magco-comply sila sa hiling na ito ni Cong. Magsino.

Follow SMNI NEWS on Twitter