DENR, pinangunahan ang coconut tree planting activity sa Baywalk Area, Manila

DENR, pinangunahan ang coconut tree planting activity sa Baywalk Area, Manila

NAGSAGAWA ng coconut tree planting activity ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Baywalk Area, Roxas Boulevard Manila ngayong araw.

Pinangunahan ang naturang aktibidad nina DENR Secretary Roy Cimatu, DENR Undersecretary Jonas Leones, Department of Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, Department of Interior Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette-Romulo Puyat, Metro Manila and Development Authority Chairman Benjamin Abalos at City of Manila Mayor Francisco Moreno Domagoso ang naturang aktibidad.

Kabilang din sa dumalo sa nasabing programa ang ilang ahensya tulad ng Philippine Coast Guard, Philippine Ports Authority, Laguna Lake Development Authority, Environmental Management Bureau-National Capital Region at ang lungsod ng Mandaluyong.

Sinabi ni DENR Secretary Cimatu, ang coconut tree planting activity sa Baywalk Area ay bilang bahagi ng nagpapatuloy na programa ng ahensya partikular sa mga clean-up at rehabilitasyon ng Manila Bay.

Samantala, mahigpit namang ipinatutupad sa naturang event ng Inter-Agency Task Force ang istriktong pagsunod sa mga safety protocols katulad ng pagsusuot ng facemask, face shield at pag-obserba sa social distancing.

Matatandaang noong nakaraang taon nagsagawa rin ng mangrove tree planting ang DENR sa Baseco Lagoon sa Tondo, Manila na parte rin sa patuloy na rehabilitasyon ng Manila Bay.

Layon nito na ma-rehabilitate ang nasabing lugar hindi lamang sa mga physical rehabilitation, cleaning at dredging maging ng pagtatanim ng mga puno.

SMNI NEWS