DENR-Region 1, nakiisa sa selebrasyon ng Philippine Environment Month

DENR-Region 1, nakiisa sa selebrasyon ng Philippine Environment Month

NAKIISA ang Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Region 1 sa ipinagdiriwang ngayong Hunyo na Philippine Environment Month.

Sinimulan ng DENR-Region 1 ang selebrasyon ng Philippine Environmental Month nitong Hunyo 5, 2023 sa malawakang tree planting at clean up drive sa mga Regional Environment and Natural Resources Offices (RENRO) sa rehiyon.

Ito’y kasabay sa selebrasyon ng World Environment Day na may temang “Environment for Life”.

Ang nasabing aktibidad ay sabay ring isinagawa sa mga rehiyon sa buong bansa.

 “Napakarami po noong mga line-up activities natin for the Environmental Month celebration. Kanina nga doon sa kick off natin meron tayong activities na clean-up and tree planting. Ito ay scattered over all our provincial environment and natural resources offices na meron din tayong community environment and natural resources offices. So, lahat po ‘yan ay may kaniya-kaniyang activities,” ayon kay atty. Crizaldy M. Barcelo, DENR-Region 1 Director.

Nitong Hunyo 8, 2023 ipinagdiriwang ang 36th DENR Anniversary at Family Day kasabay sa isinasagawang search for Mutya ng Kalikasan.

Ito’y paligsahan ng mga kandidato suot ang mga kasuotang gawa sa recycled o gawa sa environment-friendly raw materials na naaayon sa tema ng ahensiya—ang “Protection, Conservation, and Management of Environment”.

 “Ngayon nga po ay ipinagdiriwang namin ang aming 36th Anniversary and at the same time Family Day namin at ‘yung Environment Month Celebration. So, we have so many lined-up activities for this Environment Month Celebration. Meron kaming coastal clean-up, ito Family Day, may tree planting activity, then meron din kaming awarding ng Best Environmental Partners,” dagdag ni Atty. Barcelo.

Kabilang din sa mga aktibidad ng DENR-Region ang sports events at trade fair na gaganapin naman sa Hunyo 13, 2023.

Magkakaroon din ng search for Best River for Life award na ilulunsad sa buong bansa at ang Suyo River sa Tagudin, Ilocos Sur ang magiging entry ng DENR-Region 1.

 “Magkakaroon ulit tayo ng ‘Search for Best River for life’ award at ang entry natin ay ‘yung sa Suyo River na nag-aano siya sa tagudin, Ilocos Sur. High lights naman sa month-long activity ng DENR-Region 1 ang ‘Search for Best Environmental Partner’ awards,” ani Barcelo.

Highlights naman sa month-long activity ng DENR-Region 1 ang ‘Search for Best Environmental Partner’ awards.

“We will recognize ‘yung ating partners and other stakeholders particularly ‘yung mga permities natin sa mining, ganon din ‘yung industries natin sa EMB, at ‘yung sa DENR din. ‘Yung mga partners natin sa law enforcement, at ganun din SAPOs and NGOs natin…and the likes,” aniya.

Isa sa criteria ng Best Environmental Partners ang sustainability, replicability, at social inclusivity sa mga aktibidad na pangkapaligiran.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter