Department of Agriculture nagdeklara ng food security emergency sa bigas

Department of Agriculture nagdeklara ng food security emergency sa bigas

IPINALIWANAG ni Department of Agriculture (DA) Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., na nagpatupad ang ahensiya ng food security emergency dahil sa pambihirang pagtaas sa presyo ng bigas sa mga pamilihan.

Ito aniya ay kahit bumaba na ang presyo ng bigas sa pandaigdigang merkado at nabawasan na rin ang taripa sa imported rice.

Sa ilalim ng food security emergency ay pinapayagan ang National Food Authority (NFA) na ibenta ang kanilang hawak na bigas sa mga lokal na pamahalaan sa bansa.

Sa ngayon, nasa 300,000 sako ng bigas sa bodega ng NFA ang handang ibenta sa halagang P36 kada kilo.

Habang maaari naman itong ibenta ng mga local government unit sa kanilang mga residente sa halagang P38 kada kilo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter