Department of National Defense, pinanindigan ang UP-DND Accord termination

WALANG masamang ginagawa ang militar at mga otoridad sa UP-DND Accord termination ayon sa Department of National Defense (DND).

Ang UP-DND Accord ay isang 31-taong kasunduan na nilagdaan sa pagitan ng UP at Defense Department ng bansa noong 1989 na nagbabawal sa state forces na pumasok sa bisinidad ng mga unibersidad

Sa halip ayon ng ahensiya, layon nitong protektahan ang mamamayan ng bansa lalo na ang mga kabataan.

Giit ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, hindi dapat na ituring na kaaway ang gobyerno na kinakailangang maglagay ang pamunuan ng UP ng demilitarized zone kung saan hindi maaaring makapasok ang mga militar sa alinmang UP campuses nang walang koordinasyon at approval nito.

Aniya, walang anumang dapat na espesyal na pagtrato sa UP dahil hindi naman ito nasa labas ng bansa o Korean border.

“Sa UP mayroon silang ala-Demilitarized Zone (DMZ). Military can’t enter without coordination. What makes UP so special? Nasa Korean border ba kayo? CLOY is life na ba? We are not your enemies. We are here to protect our people, especially our youth,” pahayag ni Lorenzana.

“The agreement has become obsolete. The times and circumstances have changed since the agreement was signed in 1989, three years after the martial law ended. The agreement was a gesture of courtesy accorded to UP upon the University’s request,” dagdag aniya.

Ayon naman kay Professor Gerry Lanuza, Sociology Professor ng UP Diliman, sa kabila ng pangyayaring ito, naniniwala sila na mahihirapan ang pamahalaan na maisakatuparan ang budget cut sa kanilang eskwelahan dahil sa mga naglalakihang personalidad na nakaupo aniya sa gobyerno at tiyak na hindi nila ito hahayaang mangyari

Matatandaan, nauna nang nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng bawian ng pondo ang UP dahil sa mga kinasasangkutan nitong usapin gaya ng pagiging pugad ng recruitment ng mga rebeldeng grupo na CPP-NPA-NDF.

Samantala, nagsagawa ng isang programa ang ilang estudyante at pribadong sektor sa loob ng University of the Philippines Diliman Quezon City bilang pagkondena sa ginawang hakbang ng pamahalaan.

Lumahok naman sa naturang programa ang ilang kinatawan ng Makabayan Bloc na sina Kabataang Partylist Rep. Sarah Elago, ACT Teachers Partylist France Castro at kinatawan ng Gabriela Partylist.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.