Department of Water, susi sa pagkakaroon ng taonang pondo ng patubig sa bansa

Department of Water, susi sa pagkakaroon ng taonang pondo ng patubig sa bansa

SUSI ang Department of Water sa pagkakaroon ng taonang pondo ng patubig sa bansa.

Pag-iisahin ang lahat ng ahensiya na nangangasiwa ng tubig upang magkaroon ng direksiyon ng pamamahala ng tubig sa bansa.

Ito ang pangunahing layunin ng isinusulong na pagbuo ng Water Department ayon kay Cong. Wilbert Lee ng AGRI Party-list sa panayam ng SMNI News.

Mas nakabubuti rin aniyang maging departamento ito upang mabigyan ng sapat na taonang budget mula sa national government.

Kabilang naman sa nangangasiwa ng tubig na posibleng maisailalim sa Water Department ay ang mga Local Water Utilities, Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), mga dam, irigasyon at lahat ng may kaugnayan sa patubig.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter