DepEd at CHED, kinondena ang nangyaring shooting incident sa Ateneo campus

DepEd at CHED, kinondena ang nangyaring shooting incident sa Ateneo campus

KINONDENA ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio ang nangyaring pamamaril sa Ateneo de Manila University (ADMU) campus Quezon City nitong Linggo.

Sa pahayag na inilabas ni Atty. Reynold Munsayac, ang tagapagsalita ni VP Sara, wala aniyang lugar ang karahasan lalo na sa mga paaralan na dapat ay isang lugar na pinakaligtas sa mga mag-aaral.

Nagpahayag din ng pagkondena si Commission on Higher Education (CHED) Chairman J. Prospero E. de Vera.

Nakakalungkot ani De Vera na nangyari ang isang shooting incident sa loob ng Higher Education Institution (HEI).

Ipinaaalala aniya ng nasabing insidente ang importansiya ng pagpapaigting ng seguridad at kapayapaan sa mga paaralan.

 

Follow SMNI News on Twitter