NAGKASUNDO ang Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH) na magtulungan para sa “Oplan Kalusugan sa DepEd Healthy Learning Institutions” na ang layunin ay paigtingin ang mga programa para sa kalusugan ng mga bata sa paaralan.
Kabilang sa mga napag-usapan ng dalawang ahensiya ay ang patungkol sa immunization, nutrition, at mental health ng mga bata.
Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, importante ang school-based immunization kabilang na ang HPV Vaccination sa mga batang babae.
Pagtutuunan din nila ang feeding program para sa mga bata na may problema sa malnutrition.
Para naman sa mental health ng mga bata, napagkasunduan ni Herbosa at DepEd Sec. Sonny Angara na magkaroon ng mga aktibidad sa arts, sports, at iba pa.