MAGKAKAROON na ngayon ng mas malakas na ugnayan ang Department of Education (DepEd) at Department of Science and Technology (DOST).
Ito’y upang tutukan ang science education sa mga pampublikong paaralan.
Sa isang seremonya, sinabi ng DepEd na isang pundasyon ng maunlad na bansa ang siyensiya kung kaya’t mainam lang na ito’y tutukan.
Sa panig ng DOST, naniniwala sila na sa educational system nagsisimula ang tagumpay ng isang bansa sa larangan ng siyensiya, teknolohiya, at inobasyon.